para
by: wolfmann
manhid, ako'y manhid
magdamag na nakahiga sa sahig
banig, kahit may banig
nakapako ang kamay sa sahig
may anghel na dumaan
at unti-unti akong tinatayo sa aking kinalalagyan
inabot niya ang susi sa sasakyang patungo
sa gitna ng araw at buwan
'di ko man lang alam kung saan ka pupunta
basta't magmamaneho lang hanggang sa may pumara
para na, may maglalakad sa tubig
para na, lumulutang na pag-ibig
para na, 'di na kaya pang kumapit
para na, ayoko nang umibig
tuwid, ako'y tatawid
sa pinasukat na dilim ng langit
lamig, ako'y nanlalamig
habang lumilipad humihigpit ang kapit
may dumuyaw, dumaan at ako'y tinutuksong
bumaba sa aking kinalalagyan
'di maiwasang lumingon sa
lumipas na araw at buwan
'di ko man lang alam kung saan ka pupunta
basta't magmamaneho lang hanggang sa may pumara
para na, ako'y maglalakad sa tubig
para na, o nalilitong pag-ibig
para na, 'di na kaya pang kumabig
para na, parang ayoko nang umibig
para na, kung 'di ikaw ang iibigin..
***